TAUMBAYAN GALIT NA SA POLITICAL PERSECUTION NG MARCOS ADMIN

TULUYAN nang nawala ang panawagang pagkakaisa (unity) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil napalitan ito ng panggigipit sa kanilang mga dating kakampi at sa ordinaryong mamamayan ng bansa.

Ayon ito kina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Dr. Lorraine Marie Badoy sa kanilang programa na Pilipinas Nating Mahal sa SMNI noong nakaraang Biyernes, Abril 12.

Sa nasabing programa ay kanilang kinapanayam ang unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez.

Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang warrant of arrest laban kay SMNI chairman at Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy, at suspensyon ni Davao del Norte Gov. Edwin Jubahid.

Binigyang-diin ni Ka Eric na hindi kalaban ng bayan sina Pastor Quiboloy at Gov. Jubahib.

Ani Ka Eric, “self inflicted” ang kaguluhan ngayon dahil sa sunod-sunod na mga kapalpakan ng gobyerno.

Para naman kay Atty. Rodriguez, ang ginagawa ng pamahalaan ngayon ay hindi matatawag na self-inflicted kundi isang deliberate attempt ng pagsikil sa taumbayan.

“..kung nagkamali ka siguro ng isa o dalawa, pwede nating sabihin self inflicted, pero ito ang nakikita ho natin dito ay seemingly there is a pattern to suppress information, there is a pattern to suppress the freedom of speech and of expression and there is an ongoing pattern of political persecution among those who are critical of the government,” paliwanag ni Atty. Rodriguez.

Ipinaliwanag din ng dating Executive Secretary ang huling survey kaugnay sa isinusulong na Charter change sa pamamagitan ng pekeng People’s Initiative ay pagpapakita ng pagkadismaya sa gobyerno.

Kung titingnan aniya ang resulta ng huling survey na nagsasabing 88 porsyento ng mga Pilipino ang ayaw sa Charter change, masasabing one fourth sa mga tinanong ang galit sa gobyerno.

Nagigising na aniya ang taumbayan sa pagmamalabis ng gobyerno sa ordinaryong tao.

(JOEL O. AMONGO)

73

Related posts

Leave a Comment