SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan.
Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas nakaaalarma kaysa sa posibilidad na Asian power sa pagsalakay sa Taiwan.
“The real problem and the real flashpoint, which is why I’m telling you how critical it is for us. The real flashpoint is in the West Philippine Sea,” ayon kay Romualdez.
Ang West Philippine Sea ay ang opisyal na pagtatalaga ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga silangang bahagi ng Dagat Timog Tsina na nakapaloob sa eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas. Malimit ding ginagamit ang katawagan kahit hindi angkop upang matukoy ang kabuuan ng pinagtatalunang dagat.
Winika ni Romualdez na ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan ay maituturing na “key concern” subalit ang pag-takeover ng China ay kalkuladong panganib.
Kinonsidera kasi ng Beijing ang Taiwan bilang isang ‘rogue province’ matapos na mahiwalay ito mula sa mainland noong 1949.
Ayon kay Romualdez, si Chinese President Xi Jinping “is not going to make a move unless he is absolutely sure that he can militarily take over Taiwan.”
“Deterrence is the only way to stop them from going into that kind of situation. So we’re hoping that every morning when President Xi wakes up he’s going to say, ‘Today’s not the day’,” aniya pa rin.
Makailang ulit nang nakaranas ng mapanganib na pagmamaniobra ang Philippine vessels para sa pagpa- patrol at resupply missions sa Philippine-claimed features sa resource-rich waters mula sa Chinese ships, kabilang na ang laser-pointing incident, nagresulta ng muntikang banggaan sa karagatan.
(CHRISTIAN DALE)
198