TIRADOR NG KABLE PATAY SA SEKYU

LAGUNA – Patay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na barilin ng security guard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) compound sa Brgy. Lewin, sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Lumban police, nakita umano ng security guard na si Ruben Aninao Delos Reyes Jr., sa loob ng compound ang isang lalaki habang kinukuha ang nakaimbak na cable conductor electric wire ng NGCP.

Bunsod nito, nagpaputok si Reyes ng warning shot patungo sa direksyon ng suspek ngunit nagulat siya nang makitang bumulagta ito na tinamaan pala niya.

Kusang loob namang sumuko sa mga tauhan ng Lumban police station ang nakabaril na security guard.

(NILOU DEL CARMEN)

95

Related posts

Leave a Comment