TRANSPORT CRISIS MAS PINALALA NI PBBM

(BERNARD TAGUINOD)

PINALALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang krisis sa transportasyon sa kanyang umano’y anti-poor program na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kahapon, Abril 30, ang pagtatapos ng deadline na ibinigay ni Marcos sa mga public utility jeep (PUJ) na i-consolidate ang kanilang prangkisa sa isang kooperatiba o korporasyon na ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ay mangangahulugan ng paggarahe ng libu-libong traditional jeepney at pagkawala ng hanapbuhay ng mahihirap na tsuper at operators.

“By pushing forward with this anti-poor program, Marcos Jr. is callously depriving hundreds of thousands of Filipinos of their livelihoods and exacerbating the already dire transportation crisis in our country,” ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang sitwasyon sa mga lansangan nang maglunsad ng transport strike ang PISTON at Manibela na nag-aagawan ng masasakyan ang mga tao ay magpapatuloy dahil mapipilitan ang maliliit na operators na igarahe ang kanilang sasakyan.

Hindi lamang sa Metro Manila mararamdaman ang transport crisis kundi sa buong bansa lalo na’t walang maayos na sistema ng transportasyon bukod sa mangangahulugan din aniya ito ng pagtaas ng pamasahe.

Bukod dito, nais din umanong ibaon ni Marcos ang mga operator sa utang dahil nagkakahalaga ng P1.2 million hanggang P2.5 million ang isang modernong jeep na aangkatin sa ibang bansa partikular na sa China.

“This exploitation not only highlights the government’s disregard for the welfare of our jeepney drivers and their families but also exposes its addiction to imports, neglecting locally made alternatives,” ayon pa kay Brosas.

52

Related posts

Leave a Comment