DA INUTIL SA PROFITEERS NG AGRI PRODUCTS

(BERNARD TAGUINOD)

WALANG silbi ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga mapagsamantalang negosyante partikular ang middlemen na nagpapahirap sa consumers dahil sa mataas na presyo ng mga produktong agrikultura na kinukuha ng mga ito sa mga magsasaka sa napakababang halaga.

Ganito ang paglalarawan ni House committee on trade and industry chairman at Iloilo Rep. Ferjenel Biron kaugnay ng isinagawang imbestigasyon ng kanyang komite ukol sa malayong agwat ng presyo ng mga bilihin sa farm gate price.

“The Department of Agriculture has in fact monitoring, surveillance and adjudication powers pero inutil eh, it was never done by the department. Tinanong namin kung anong ginawa nila sa mga profiteers, wholesalers, middlemen that have been violating for the longest time and it was unfortunate when they revealed na wala silang ginawa,” ani Biron.

Ang imbestigasyon ay iniutos ni House Speaker Martin Romualdez matapos matuklasan ang malayong agwat ng presyo ng agri products sa pamilihan gayung hindi tumataas ang farm gate price.

Isa sa mga natuklasan sa nasabing pagdinig ay pakana ng middlemen ang mataas na presyo ng mga bilihin kaya inatasan ni Romualdez ang komite na ipatawag ang mga ito sa susunod na imbestigasyon.

“Sa mga profiteer, sa mga traders, sa mga middlemen na masyadong matakaw sa mga kita nila, basta bantay nalang kayo, moderate your greed and try to be more reasonable,” ani Romualdez sa press conference.

Hindi rin nito naitago ang pagkadismaya sa DA at maging sa Department of Trade and Industry (DTI) na imbes aksyunan agad ang problema ay humingi ang mga ito ng karagdagang pondo para makabili umano ng mga produktong agrikultura na ipantatapat sa mahal na presyo sa merkado.

Sa panig naman ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, marami nang isyu sa pagsasamantala ng mga negosyante subalit hanggang ngayon ay wala pang naipapakulong ang DA at maging ang DTI.

60

Related posts

Leave a Comment