TSERMAN INARESTO SA REKLAMONG KORAPSYON

HINDI na nakapalag ang isang 54-anyos na barangay chairman nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest, ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa mismong barangay hall  nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Roberto Icuspit Corpuz, may asawa, punong barangay ng Brgy. 569, Zone 56, Sampaloc.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-9:45 ng umaga nang arestuhin ang chairman sa loob mismo ng barangay hall, sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Luis Coderes, hepe ng Intelligence and Warrant Section.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Zaleta Enciso ng Regional Trial Court Branch 12, na may petsang Marso 24, 2023, dahil sa kasong paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act)

Gayunman, inutos ng korte na maglagak ng piyansang P90,000 ang suspek para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

213

Related posts

Leave a Comment