US MISSILES SA N LUZON PINASISILIP SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD)

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang pagde-deploy umano ng Estados Unidos ng kanilang Tomahawk Missile sa Northern Luzon partikular na sa Batanes.

Sa House Resolution (HR) 1688 na inakda nina ACT party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, inatasan ng mga ito ang House committee on national defense and security na alamin ang katotohanan hinggil sa ulat na kasama ang Tomahawk Missile Launcher sa dinala ng Amerika sa Pilipinas para sa 39th Balikatan Exercises.

“Kailangan ng transparency sa ginagawang mga Balikatan military exercises na ito lalo pa at di natin nakikita kung nuclear warheads na ang nakalagay sa mga Tomahawks na ito na labag sa ating Konstitusyon,” giit ni Castro.

Nangangamba ang mga nabanggit na mambabatas na lalong malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa dahil sa ganitong war machines na idineploy sa Batanes na 250 milya lamang ang layo sa Taiwan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na binabalak ng China na bawiin ang Taiwan para maging bahagi ng Mainland China matapos itong magsarili pagkatapos ng Chinese Civil War noong 1949.

“It is imperative for the House of Representatives to investigate the circumstances surrounding the deployment of US Missiles in Northern Luzon, the implications for the Philippine sovereignty and security, and the compliance with the constitutional provisions regarding national defense and foreign relations,”ayon pa sa resolusyon.

47

Related posts

Leave a Comment