‘UZI’ ITINUMBA NG TANDEM

DEAD on Arrival sa Jose Reyes Memorial Medical center ang isang 26- anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa panulukan ng Yuseco at Katamanan Streets, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Zedric Teodoro, may live-in partner at naninirahan sa nasabing lugar.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya sa tumakas na riding in tandem na armado ng .45 kalibreng baril.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:10 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa naturang lugar.

Nag-uusyuso umano ang biktima sa pagkukumpuni ng motorsiklo nang biglang sumulpot ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at dalawang beses na binaril ito sa ulo.

(RENE CRISOSTOMO)

105

Related posts

Leave a Comment