VINTAGE BOMB NAHUKAY SA INTRAMUROS

SINUSURI ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Coast Guard kung ang nahukay na vintage bomb sa Muralla at Anda Streets, Intramuros, Manila noong Biyernes ng hapon, ay may kakayahan pang sumabog.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono si Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang alas-4:00 ng hapon, hinggil sa mortar na nahukay sa lugar ng isang Gilbert Badilla, 33, isang construction worker.

Ipinagbigay-alam naman ni Cruz kay Police Captain Anthony Abundo ng Intramuros Police Community Precinct, ang insidente.

Agad nagresponde sina Police Corporal Jeremia John Quiambao at Police Corporal Alvin Jay Fajardo na kinordon ang lugar.

Itinurn-over nila ang bomba sa PCG na nagsabing ito ay ginamot noong 2nd World War.

(RENE CRISOSTOMO)

188

Related posts

Leave a Comment