VP SARA DEDMA SA ‘DRAMA’ NI LIZA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SINAGOT na kahapon ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ng maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ni VP Sara, walang kinalaman sa kanyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan ang personal na damdamin ni First Lady Liza Marcos.

Bilang tao aniya, karapatan ni Unang Ginang Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit.

“Upang makausad tayo, iiwan na natin sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang namin ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang mga susunod na hakbang.

Mga kaigsuonan, nag-atubang ang atong nasud og dagkong mga problema nga kinahanglang solusyonan sa gobyerno.”

Bahagi pa ng pananalita ni Duterte.

Aniya, mas makabubuti na tutukan ang pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng bansa ngayon.

Inihalimbawa niya ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin na mas nagpapahirap pa sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap na Pilipino.

Nagbabadya rin aniya ang kakulangan ng supply ng tubig at kuryente, habang talamak na naman ang ipinagbabawal na droga.

Bukod dito, hindi pa rin aniya natatapos ang banta ng kriminalidad, terorismo at insurhensiya sa ating bansa.

Bilang panghuli, iginiit ng Pangalawang Pangulo na dapat unahin ang Pilipinas.

Nauna rito, binatikos ni FL Liza ang pagdalo ni VP Sara sa rally kung saan kinokondena at tinawag na bangag si Pangulong Marcos.

Hindi aniya naaayos sa isang bise presidente ang kilos ng batang Duterte.

35

Related posts

Leave a Comment