Paalala ng opposition solon FL LIZA WALANG ‘K’ MAKIALAM SA GOBYERNO

HINDI dapat makialam si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamalakad ng kanyang mister na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paalala ito ni House Deputy Minority Leader France Castro sa misis ni Marcos Jr., sa gitna ng bangayan nila ni Vice President Sara Duterte kung saan inamin ng Unang Ginang na ‘bad shot’ na sa kanya ang huli.

“Habang nalalantad ang lumalalang alitan sa pagitan nina FL Liza Marcos at VP Duterte, repleksyon din ito ng lumalaking bangayan ng kanilang mga pamilya. Kailangan ding tandaan na hindi elected official si Liza as First Lady. Wala siyang mandato at dapat walang ‘say’ sa pamamalakad ng gobyerno,” ani Castro.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa pangambang ang away ng Unang Ginang at ni VP Duterte ay maging dahilan para sibakin bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ang pangalawang pangulo.

Gayunpaman, hindi umano tututulan ng Makabayan bloc sakaling tanggalin na si Duterte sa Gabinete dahil dismayado rin sila sa pamamalakad nito DepEd.

Naniniwala rin si Castro na ang bangayang ito nina FL Marcos at Duterte ay mauuwi sa Marcos vs Duterte pagdating ng 2025 midterm election hanggang sa 2028 presidential election.

(BERNARD TAGUINOD)

50

Related posts

Leave a Comment