PAGLAYA NG BABAENG PDLs PABIBILISIN NG SC

PURSIGIDO ang Korte Suprema na bumuo ng procedure sa paghawak ng kaso ng Persons Deprived of Liberty (DPLs) na nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW).

Ito ay matapos magtungo si Supreme Court Justice Ma. Filomena Singh sa CIW sa Mandaluyong City noong April 18 upang alamin ang kondisyon at mga paraan sa paghawak ng kaso ng women in conflict with the law.

Sinabi ni Singh, co-chairperson ng committee on Gender Responsiveness in the Judiciary, makatutulong para sa pagbuo ng procedure ang pagkalap ng mga impormasyon ng technical working group.

Hinimok din ng huwes ang mga PDL na magsumikap makakuha ng Good Conduct Time Allowance credits upang mapabilis ang kanilang paglaya kahit nagkasala ito ng karumal-dumal na krimen.

(JULIET PACOT)

27

Related posts

Leave a Comment