WALA NANG EXTENSION SA PUV MODERNIZATION

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ang aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives.

Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline sa Abril 30, ngayong taon.

”Sa kahuli-hulihan, wala na pong extension ‘yung (consolidation). Kailangan na kailangan na natin ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na open forum ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns.

“Ang tinitiyak lang namin, hindi na mapabigat pa ang babayaran at iuutang ng driver-operator kaya ginagawa nating maayos at well-organized ‘yung sistema na ‘yan,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Nang mapaso noong December 31, 2023 ang unang deadline, pinalawig ito ng tatlong buwan ng pamahalaan base sa rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ito’y upang bigyan ng pagkakataon ang mga jeepney operator at drivers na hindi umabot sa cut off na makapag-consolidate.

(CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment