GASOLINAHAN, HINOLDAP NG DATING GAS ATTENDANT

CAVITE – Tinatayang P40,000 cash na kita ng isang gasolinahan ang tinangay ng dating gas attendant nito sa Dasmariñas City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dating gas attendant ng Phoenix Gasoline Station na si alyas “Gelo” na iningusong suspek sa panghoholdap.

Sa salaysay sa pulisya ni alyas “Jotge”, 33, cashier ng Phoenix Gasoline Station sa Governor’s Drive, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, dakong ala-1:14 kahapon ng madaling araw, nasa loob siya ng opisina nang pumasok ang suspek na armado ng patalim, nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang tinatayang P40,000 cash na kita ng gasolinahan.

Matapos matangay ang pera, mabilis na tumakas ang suspek sa direksyon ng Governor’s Drive.

(SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment