WALANG ATRASAN KONTRA CHA-CHA

WALANG plano ang mga anti-Charter change (Cha-cha) group na magpahinga sa kanilang krusada sa kabila ng pagpapatigil ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng signature sheets ng People’s Initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa halip, tuloy-tuloy ang grupong BAYAN sa pangunguna ni dating Congressman Neri Colmenares sa kanilang ‘bawi-pirma’ campaign upang idiskaril ang plano umano ng nasa likod ng PI na amyendahan ang Saligang Batas gamit ang mga pirmang kinalap sa pamamagitan ng panloloko at pagbili.

“The recent move of Comelec to suspend processing the PI signature sheets does not mean that those against Cha-cha should stop mobilizing against it,” paliwanag ng dating kinatawan ng Bayan Muna.

Sa desisyon ng Comelec en banc, ititigil na ng mga ito ang pagtanggap at pagproseso sa mga nakalap na lagda ng grupong PIRMA dahil kailangang dagdagan ang provision sa implementing rules and regulations (IRR) sa People’s Initiative.

Sinabi ni Colmenares na wala pang dapat ipagbunyi dahil walang senyales na sumuko na ang grupong PIRMA at mga kaalyado ng mga ito sa kanilang hangaring amyendahan ang 1987 Constitution.

May nakahanda nang affidavit and manifestation of withdrawal form ang grupo ni Colmenares para papirmahan sa mga botante na pinalagda sa PI petition bago ibinigay sa mga ito ang ayuda habang may mga report din na binayaran ang mga ito ng P100.

Sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na may kapangyarihan ang Comelec na ipatigil ang proseso sa mga nakalap na PI signatures dahil hindi muna naghain ng petisyon ang mga ito PI group sa Comelec bago nag-signature campaign.

“Pending the filing with the COMELEC of the prerequisite petition for PI, the Comelec has no jurisdiction yet to proceed on the matter, including the acceptance and validation of PI signatures,” ani Lagman.

(BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment