WANTED SA TONDO, NATUNTON SA BULACAN

ARESTADO sa ikinasang Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation ng pinagsanib na puwersa ng DID-SMaRT at ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD), ang isang 30-anyos na wanted sa Tondo, Manila na may kasong murder at attempted murder, makaraang matunton sa Pulilan, Bulacan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na sina Rene Boy Golias, ng Barangay 105, Vitas, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) bandang alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa Esguerra Street, Barangay Longos , Pulilan, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kasong murder habang nagrekomenda ng piyansang P70,000 para sa kasong attempted murder. (RENE CRISOSTOMO)

22

Related posts

Leave a Comment