‘WHOOPING COUGH’ TREATMENT SAKOP NG PHILHEALTH

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sakop nito ang ‘inpatient confinement’ na may kinalaman sa “whooping cough” condition.

Sa isang kalatas, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., na para sa mga kaso na nangangailangan ng confinement o madala sa ospital, nag-aalok ang PhilHealth ng case rate benefits na P13,000 hanggang P19,000 para sa pertussis treatment.

“We understand the concerns surrounding pertussis treatment and want to reassure the public that PhilHealth is fully committed to supporting individuals needing inpatient care for this illness,” ayon kay Ledesma.

Siniguro naman ni Ledesma sa publiko ang commitment ng PhilHealth na suportahan ang mga indibidwal na nangangailangan ng inpatient care, na may benepisyo para sa malubhang pneumonia, karaniwang komplikasyon ng pertussis, umabot na sa P90,100.

Hinikayat din nito ang lahat ng mga Pilipino na humingi ng medical consultation kung kinakikitaan na ang mga ito ng sintomas ng pertussis, gaya ng sinat, ubo at sipon.

Dahil dito, binigyang diin ni Ledesma ang ‘accessibility’ ng Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package ng PhilHealth, nagbibigay ng libreng konsultasyon at mahalagang medisina para sa paggagamot ng sakit.

Sa kabilang dako, ang Pertussis, kilala rin bilang “whooping cough,” ay isang respiratory infection sanhi ng Bordetella pertussis bacterium.

“It presents symptoms such as mild fever, colds, and a distinctive “staccato” cough. The disease spreads through respiratory droplets and primarily affects infants and young children without the DTaP vaccine,” ayon sa DOH.

(CHRISTIAN DALE)

42

Related posts

Leave a Comment