NAKAMIT ni dating Senador Bam Aquino ang pinakamalaking pagtaas sa percentage points sa tracking ng Pinasurvey noong Disyembre. Dahil sa ratsadang ito ni Aquino, umakyat siya sa tabla para sa pang-anim hanggang pang-13 puwesto.
Ayon kay Rolland Ramirez, Managing Director ng Insightspedia, Inc., ang kumpanya sa likod ng Pinasurvey, tumaas ng limang puntos ang percentage points ni Aquino, na siyang pinakamataas sa mga kandidatong katabla niya sa posisyon.
Paliwanag ni Ramirez, nagpapakita ito na mayroon nang momentum si Aquino at ang kanyang totoong puwesto sa survey ay nasa itaas na bahagi ng 6th-13th spots.
“This suggests he has momentum and that his true standing is likely on the higher end of his range or approaching it,” sabi ni Ramirez.
Sinabi rin ni Ramirez na habang halos sigurado na ang apat na nangungunang kandidato sa pagka-senador, “wide open” pa rin ang karera para sa mga nalalabing puwesto. Bukod sa Pinasurvey, pasok din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.
Kapag nakabalik sa Senado, isusulong ni Aquino ang dagdag na pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho.
Nagsama-sama kamakailan ang iba’t ibang artista at influencers para magpahayag ng buong suporta sa kampanya sa kandidatura ni Aquino bilang senador. Kabilang sa mga nagpaabot ng suporta sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja.
Nangako ring tutulong sa kandidatura ni Aquino sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs, Jim Paredes, Elha Nympha, Jeli Mateo, Chef Jeng Flores, at marami pang iba.
Una nang nagpaabot ng suporta kay Aquino sina Bodjie Pascua, Lance Oca, Mama Loi Villarama, at mga miyembro ng The Company na sina Moy Ortiz, Sweet Plantado Tiongson, OJ Mariano, at Teacher Annie Quintos.
