BANGLADESHI ITINUMBA SA BACLARAN

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang negosyanteng Bangladeshi national makaraang pagbabarilin sa kanyang tindahan sa Baclaran, Pasay City noong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ni Pasay City chief of police, P/Col. Cesar Pada-os, ang biktimang si Abu Taher, 52, RTW store owner sa Terminal 1 Complex, LRTA 1 Shopping Mall, Taft Ave. Extension, Pasay City.

Napag-alaman, dakong alas-11:00 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman ang biktima sa kanyang tindahan

Isinugod ang biktima sa San Juan De Dios Hospital upang malapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival.

Hinihinala ng mga awtoridad na away sa negosyo ang motibo sa krimen. (DAVE MEDINA)

 

114

Related posts

Leave a Comment