MULING nagbabala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa publiko laban sa scammer na nagpo-post sa Facebook na siya ay abogadong immigration employee at naghihingi ng pera sa kanyang mga biktima.
Nag-ugat ang paalala ni Morente matapos may matanggap na reklamo ang BI mula sa isang Indian student kaugnay sa isang fake lawyer na nag-post sa social media at nagpakilalang isang immigration hearing officer.
“We conducted an investigation and saw that there were many similar complaints in the past about this fake lawyer that introduced herself as a certain Atty. Lisa Perez Tubban,” ani Morente. “She presented herself as a fixer that can process the application of these students,” dagdag ni Morente.
Lumabas sa BI records na wala silang empleyado na ganoon ang pangalan. “We suspect she’s using a fake name, as she used the photo of one of our contractual employees as her profile picture,” aniya pa.
Ang biktima ay isang female student sa bansa, at nagsimula ang pakikipag-usap nito suspek noong nakaraang Pebrero.
Ayon pa sa BI, sa kasalukuyang rules, ang school representatives lamang ang pinapayagang magproseso ng mga aplikante para sa mga estudyante.
Dahil hindi nagkasundo ang biktima at ang kinatawan ng isang paaralan, bumaling ito sa Facebook para maghanap ng kung sinong makatutulong sa kanya.
“The fake employee offered to process her application but requested pre-payment sent through online fund transfer,” ayon sa hepe ng BI.
Nakalagay pa reklamo na ang biktima ay nakapagbayad ng kabuuang P45,000 sa ilang beses na transaksyon bago itinigil ng suspek ang reply sa kanya.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Morente ang foreign students na huwag makipag-usap sa mga nagpo-post sa Facebook na nagpapakilala bilang BI employees online.
“These are all scams. Immediately report to the authorities if you encounter any such attempts,” babala pa ni Morente.
Kamakailan, ang BI ay nag-post ng babala laban sa fake immigration officers na nangangakong mag-escort sa travelers sa airport.
Noong 2019, ang ahensya ay nagbabala rin sa fake employees na nasasangkot sa love scam.
Aniya, ang nasabing kaso ay ipinasa na nila sa sa National Bureau of Investigation Anti-Cybercrime Group para sa imbestigasyon. (JOEL O. AMONGO)
188
