BARIL, BALA NABUKING SA CHECKPOINT

CAVITE – Nabuking ang itinatagong baril at bala ng isang motorcycle rider na unang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Naic City noong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act No. 10591o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan saOmnibus Election Code (BP Blg. 881) at resistance and disobedience ang suspek na si alyas “Mario”, 36, isang laborer, at residente ng Brgy. Timalan, Concepcion, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi, pinara ang minamanehong motorsiklo ng suspek ng mga operatiba ng Naic Municipal Station nang dumaan ito sa nakalatag na Comelec Checkpoint sa Brgy. San Roque, Naic, Cavite dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Ngunit hindi ito tumigil at pinasibad ang motorsiklo dahilan upang tugisin subalit pagdaan nito sa isang kurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol at bumangga dahilan ng kanyang pagkakadakip.

Nang inspeksiyunin, nakita sa sling bag ng suspek ang isang Colt .45 pistol at anim na bala.

(SIGFRED ADSUARA)

6

Related posts

Leave a Comment