CAVITE – Mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa ulat, bandang alas-8:45 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang Bacoor Component City Police Station sa Brgy. Zapote 11, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Kuya”.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 180 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,244,000.
(SIGFRED ADSUARA)
