BATAS KONTRA DINASTIYA PINAREREPASO SA KONGRESO

ITINUTULAK ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbabago sa electoral system kasunod ng 2025 midterm polls.

Hinikayat din nito ang Kongreso na bisitahin o silipin ang batas laban sa political dynasties.

Sa isang kalatas, pinuri ng CHR ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisikap nito na gawing mas ‘inclusive’ ang halalan kabilang na ang inobasyon ng maagang pagpapaboto sa vulnerable sector, ang maayos na proseso para sa eleksyon sa mga detention facility sa buong bansa at mas malakas na hakbang na ikinasa laban sa vote-buying at election-related disinformation.

Inirekomenda naman ng CHR ang mga hakbang para sa isang mas magandang karanasan sa susunod na eleksyon.

Sa katunayan, itinutulak ng CHR ang ‘better inclusivity’ sa panahon ng eleksyon kasunod ng mga napaulat na may mga polling precincts ang kulang sa rampa, shaded waiting areas, gumaganang accessible restrooms, o wheelchairs.

Inirekomenda naman ng CHR ang exclusive voting centers para sa vulnerable sectors na matatagpuan sa mga malls o implementasyon ng roving ballots sa ilang lugar.

Sinabi ng CHR na kailangan na tiyakin ng Comelec na ang mga vulnerable voter ay dapat na ‘fully informed’ ng kanilang karapatan at opsyon sa impormasyon.

Kinakailangan na magpatupad ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mas malakas na ‘ security approaches’ sa mga election hotspot. Kailangan din na magsagawa ng transparent na imbestigasyon habang ang mga suspek ay dapat na papanagutin para sa insidente ng karahasan.

Sa kabilang dako, hiniling ng CHR sa Kongreso na muling bisitahin o silipin ang Anti-Dynasty Law, at hinikayat ang Comelec na suportahan ang political party reforms, campaign finance regulation, palawigin ang political participation programs para sa mga kababaihan at magpalathala ng gender-disaggregated data.

Kailangan din na magsagawa ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Education, at media organization ng digital literacy at civic education initiatives, habang ang social media companies ay kailangan na papanagutin dahil sa pagkabigo sa moderate content.

Sinabi pa ng CHR na ang election violence at nagpapatuloy na political dynasties ang mga pangunahing alalahanin sa eleksyon.

(CHRISTIAN DALE)

59

Related posts

Leave a Comment