BAYANIHAN 2 BUDGET PINALAWIG

PINALAWIG ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang shelf life o buhay ng 2020 national budget at pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ang kopya ng hakbanging ito ay ipinalabas, araw ng Miyerkoles.

Tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11520, na pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng isa pang taon para gastusin ang  2020 budget.
Nilagdaan din ng punong ehekutibo ang RA 11519 o “an act extending the validity of appropriations under the Bayanihan 2.”

“With the RA 11520, all allocations under the ₱4.1-trillion 2020 budget will still be available for release until December 31 this year,” ayon sa ulat.

Magsusumite naman ng report kung paano gagastusin ng pamahalaan ang unused 2020 funds sa House Speaker, Senate President, House committee on appropriations at Senate committee on finance.

Sa kabilang dako, nagbigay ng go signal si Pangulong Duterte para i-extend ang availability ng appropriations para sa mga bagong programa, proyekto, at aktibidades sa ilalim ng  Bayanihan 2. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment