NAGPAABOT ng pagbati si Singapore President Halimah Yacob kay incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ilang linggo na lamang bago siya manungkulan bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Kasabay nito, inimbitahan ni Yacob si Marcos para sa state visit sa Singapore.
“On behalf of the people of the Republic of Singapore, I warmly congratulate you on your electoral success,” sabi ni Pres. Yacob sa kanyang sulat kay Marcos.
Umaasa rin ang nasabing lider na mas magkakaroon ngayon ng mabuting ugnayan ang kanilang bansa at Pilipinas.
“Singapore and the Philippines share a warm and long standing relationship, underpinned by strong economic cooperation and robust people-to-people ties,” ani Pres. Yacob.
Bago ito, nakausap naman ni Marcos si Chinese President Xi Jinping kung saan kabilang sa kanilang tinalakay ang pagpapabuti pa sa bilateral ties ng dalawang bansa.
Muli ring binati ni Xi si Marcos, tinukoy ng huli ang naging partisipasyon nito sa “development of China-Philippines relations.”
Tinawag din nito si Marcos bilang “builder, supporter and promoter of the China-Philippines friendship”.
Ang “phone call” ni Xi kay Marcos ay nangyari Miyerkoles ng umaga, ayon sa embahada ng China sa Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)
