VILLAR NAKIKINABANG SA PRIVATIZATION SCHEME PERO PALPAK SERBISYO

KABILANG ang pamilya Villar sa mga nakikinabang sa pagsasapribado sa mga serbisyo publiko subalit hindi nila sinusuklian ng maayos na serbisyo.

Pahayag ito ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na nagkasa ng imbestigasyon at panukalang batas na itigil na ang pagsasapribado sa mga serbisyo publiko tulad ng tubig.

“Kung may nakikinabang (sa privatization) ay mga dambuhalang kumpanya. Nakita natin ito sa kaso ng tubig sa buong Pilipinas. Talagang yung PrimeWater ng mga Villar ang pangunahing nakinabang dito,” ani Tinio.

Ayon sa mambabatas, mula nang simulang isapribado ang serbisyo sa tubig ay umaabot na umano sa 73 ang lugar na nasa ilalim ng PrimeWater ng mga Villar at may mga nagsasabi na higit ito sa 100 kung isasama ang mga joint venture agreement na pinasok ng mga ito sa mga local water district.

Gayunpaman, imbes guminhawa ang buhay ng consumers sa lahat ng mga lugar na PrimeWater ang nangangasiwa sa tubig ay lumala ang kalagayan ng mga ito.

“Common, may pattern ang karanasan sa mga water district na ito, tumaas, lumobo ang mga presyo tapos bagsak ang serbisyo. Madumi ang tubig, hindi 24 hours, ilang oras lang available ang tubig and so on,” ayon kay Tinio.

Maging ang mga subdivision ng mga Villar ay inoobliga ang mga homeowners na tanging PrimeWater ang kanilang tubig sa ayaw at sa gusto umano ng mga ito.

Kasama rin aniya sa dapat gamitin lamang ng mga subdivision na dinevelop ng mga Villar ay kanilang internet company na ayon sa kongresista ay bawal sa batas ng Pilipinas.

“Allegedly pag nasa Villar development ka, kailangang PrimeWater lang ang tubig mo pati daw internet. Allegedly, if you’re in a Villar development kailangang gamitin mo internet provider ng mga Villar which is I think called Streamtech,” ayon pa sa kongresista.

(BERNARD TAGUINOD)

79

Related posts

Leave a Comment