‘MULTO NG KAHAPON’ NAKAKABIT KAY NEPOMUCENO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

TSUPI na si Commissioner Bienvenido Rubio sa Bureau of Customs. Maraming nagulat. Hindi inaasahan lalo pa’t marami ang nagsasabing mahusay naman ito. Pero ang higit na ikinagulat sa Aduana ay ang ipinalit sa kanya.

Bagaman hindi bagito dahil hindi ito ang una na ginampanan niya ang ganitong papel, mukhang malapit muli sa intriga ang katatalagang commissioner ng BOC na si dating Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Maintriga nga kung papatulan ang haka-hakang umandar ang bata-bata system sa pagkakatalaga kay Nepomuceno. Ang siste raw kasi, bata itong bagong ‘kume’ ng grupo ni DL o Dragon Lady?
May lilitaw ngang intriga dahil ang pinalitan ay ang masipag at mahusay na si Commissioner Rubio.

Sabagay hindi na bago ang reklamo sa mga ahensya ng gobyerno na kahit masipag ka, may dedikasyon sa trabaho at tinutugis ang mga nagpupuslit at nangungulimbat ay masisibak pa rin.

Teka, may usap-usapan noon na itong si Rubio ay ‘asset’ daw ni Speaker Romualdez. Wow, mas bagyo na pala si Dragon Lady kaysa House Speaker! Matindi pala sa bulungan si Madam at hindi na masukat ang lalim nito kay Code 1.

Dumidistansya na ba ang Palasyo sa pinsan ng Pangulo? Naku, baka nga may ibang House Speaker na ngayong 20th Congress.

Ang pagtatalaga kay Nepomuceno bilang bagong BOC chief ay parte ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na sugpuin ang smuggling at tiyakin ang malinaw at tapat na koleksyon ng kita.
Pero hindi ata malinaw ang rason kung bakit pinakawalan si Rubio.

Sabagay, ilang beses na ring na-appoint bilang deputy commissioner si Nepomuceno mula sa panahon ni PNoy hanggang sa administrasyon ni FPRRD. Pero sa mga panahong iyon ay maraming kontrobersya ang ibinato sa kanya.

Hindi na ba siya daraan sa Commission on Appointments?

Buti naman kung hindi at baka masita siya ng nagbabalik din na senador.

Bakit kaya ‘di siya gusto ng bumalik na senador? Noon ‘yun ah. Baka pag nag-KITA ulit sila ngayon ay iba na. Tingnan natin.

41

Related posts

Leave a Comment