Economic activities sa US nais ding paramihin UGNAYAN NG PH-CHINA GUSTONG ‘I-LEVEL UP’ NI PBBM

HANGAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iangat ang bilateral ties ng Pilipinas sa China “to a higher level.”

Inihayag ni Pangulong Marcos ang pangako niyang ito sa naging pulong niya kay Chinese Vice President Wang Qishan sa National Museum of Fine Arts sa lungsod ng Maynila, araw ng Huwebes.

Kinonsidera kasi ni Pangulong Marcos ang China bilang “the most powerful partner of the Philippines.”

“The new Philippine government attaches utmost importance to the relations with China, and is willing to deepen its participation in the joint construction of the Belt and Road, join hands with China in coping with regional challenges, and elevate the bilateral ties to a higher level,” ayon pa kay Xinhua na sinabi ni Marcos.

Gayundin, sinabi ni Wang kay Marcos na siya at ang pamilya nito ay may “great contributions to enhancing the China-Philippines friendship.

Ipinahayag din nito ang kahandaan ng China na makatrabaho ang Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos.

Ani Wang, “the Chinese side has always given priority to the Philippines in its neighborhood diplomacy, and is ready to work with the new Philippine government in carrying on their friendship, boosting mutual trust and deepening cooperation so as to usher in a new ‘golden age’ in bilateral ties.”

Hinggil naman sa usapin ng South China Sea disputes sa pagitan ng dalawang bansa, binigyang diin ni Wang ang pangangailangan ng magkabilang partido na resolbahin ang usapin habang pinananatili ang kapayapaan at katahimikan sa pinagtatalunang katubigan.

Dapat ding panindigan kapwa ng dalawang bansa ang “international equality and justice,” at magkasamang i-promote ang kapayapaan at kaunlaran sa Asya at maging ang kapakanan ng sangkatauhan.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagbigay ang Malakanyang ng detalye ng nangyaring pagpupulong nina Pangulong Marcos at Wang, isa sa mga foreign dignitaries na dumalo sa inagurasyon ng una bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Bukod kay Wang, nag-courtesy visit din sina Thai Deputy Prime Minister Don Pramudwinai, Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi, Australian Governor General David Hurley, at United States Second Gentleman Douglas Craig Emhoff kay Pangulong Marcos sa National Museum of Fine Arts.

Samantala, nais naman ni Pangulong Marcos Jr. ang mas maraming economic activities sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

“The President told me that he really would like to see more economic activities between the United States and the Philippines,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez.

“I think we are already going along that path right now. We’ve had quite a number of economic forums in the past, we’re going to have more of that,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, nag-usap na sila ni Finance Secretary Benjamin hinggil sa bagay na ito partikular na ang makakuha ng mas maraming investments mula Amerika.

“He (Diokno) would like to continue if not double up on our effort in promoting the economy and getting more foreign investments, particularly in the United States,” ayon kay Romualdez.

“Very stable and strong” naman kung ilarawan ni Romualdez ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, lalo pa’t malinaw ang naging pahayag ng Biden administration na nais nitong makatrabaho ang Marcos presidency. (CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment