MAHARLIKA POSIBLENG MITSA NG REBOLUSYON

(BERNARD TAGUINOD)

POSIBLENG maging mitsa ng rebolusyon ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) na pilit isinusubo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sambayanang Pilipino.

Ganito ang basa ni retired Col. Hector Tarrazona, Financial and Management Consultant, AIM Scholar, AIM MDM 1991 at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1968 hinggil sa Facebook (FP) post ng PMA Class 1967.

“We are gearing towards a revolution.” This was an FB post yesterday of my 1967 PMA upper class. I take this comment very seriously!,” ani Tarrazona.

Paglilinaw ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) officer, kaisa siya sa mga naghahangad na magtagumpay si Marcos dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng sambayanang Pilipino.

Gayunman, nagbabala ang retiradong kernel na posibleng malagay sa panganib ang administrasyon ni Marcos Jr. dahil sa mga kadahilanang:

“1. The group of General Rio and Colonel Odoño has proven to a certain extent the computerized wholesale cheating during the last May 2022 national elections; and

2. The Maharlika Investment Fund (MIF) is being forced down our throats, overburdened taxpayers paying 12% VAT and other taxes”.

Ang unang tinutukoy ng dating opisyal ay ang 20 million boto na nakuha agad ni Marcos noong nakaraang eleksyon gayung imposible itong magawa ng counting machines sa isang iglap lamang.

“The second is a self-created monster by the government. With almost P14 trillion national debt, we have no money to invest in MIF because sovereign wealth fund is based on government surplus funds. No reasons can justify the MIF,” ayon kay Tarrazona.

Hindi rin umano umiral ang demokrasya nang pagtibayin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukala dahil umaktong ‘puppet’ ang mga kongresista at senador maliban kina Sen. Risa Hontiveros at 6 congressmen na tumutol sa MIF.

Kata-taka rin aniya na buong puwersang sinusuportahan ng Secretary of Finance, Budget Secretary, Socioeconomic Secretary at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor ang MIF na tila takot silang mawalan ng trabaho kapag tumutol.

Ngunit ang tunay na panganib anya ay kapag pinirmahan ni Marcos Jr. ang panukala dahil ang kalihim ng Finance na siya ring chairman ng Landbank ang tatayong chairman ng Maharlika Investment Corporation.

“Here is the real danger. When PBBM signs the MIF Bill into law, the Secretary of Finance is also Chairman of Landbank and the incoming Chairman of the Maharlika Investment Corporation (MIC). Putting P50 billion in the MIF/MIC from Landbank by the same person is the greatest threat to the salaries and pensions of all government employees whose depository bank is Landbank,” paliwanag pa ni Tarrazona.

Our leaders should not tinker with the government financial institutions to create MIF. My PMA Class 1967 upper class, I think, saw this picture very clearly. I pray that GOD would give PBBM discernment and wisdom to make the correct decisions,” dagdag pa nito.

150

Related posts

Leave a Comment