Pinas may potensiyal na manguna sa wind power production sa buong mundo – Bongbong

ISUSULONG ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga reporma sa regulasyon at patakaran para maging isang major wind power producer ang Pilipinas sakaling siya ang palarin sa darating na 2022 national elections.

Naniniwala ang UniTeam presidential bet na ang wind power, kasama ang iba pang Renewable Energy (RE) sources, ay makakatulong sa bansa na mapababa ang presyo ng kuryente nito upang lalong makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan matapos ang pandemya.

“We have the potential to be a major wind power producer in the world. Our unique topography is very suitable for building offshore wind farms, and we should take advantage of it to produce cheap electricity,” sabi ni Marcos.

“We need to be competitive in a post-pandemic global economy, and having low electricity rates is crucial in drawing in more foreign direct investments as we pursue aggressive growth targets,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon sa datos noong 2019, pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamamahal na singil sa kuryente sa P10 kada kWh, kasunod ng Japan at Singapore.

Umaasa rin si Marcos na makukumpleto ang offshore wind power roadmap na binubuo ng Department of Energy (DoE) katuwang ang World Bank Group, na inaasahang matatapos sa loob ng buwan na ito.

Titiyakin ng nasabing offshore wind power roadmap na may sapat na mga tuntunin at regulasyon upang gabayan ang gobyerno sa pakikipagtulungan sa lahat ng mga kasama sa nasabing industriya.

“It would be good to have the roadmap completed at the soonest possible time since it will provide us with the policy framework to fast-track the deployment of wind farms in the country,” saad pa ni Marcos.

Ayon sa World Bank Group, ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 170 gigawatts (GW) ng hindi pa nagagamit na offshore wind potential.

Sa ngayon, iginawad na ng DoE ang limang wind energy service contracts na may pinagsamang kapasidad na 1.85 GW para sa mga proyektong; Guimaras Strait (100MW), Aparri Bay (100MW), Guimaras Strait II (600MW), Frontera Bay (450MW), at San Miguel Bay (600MW) na inaasahang matatapos sa 2031.

Nakatanggap din ang DoE ng siyam na karagdagang letter of intent (LOI) para sa mga offshore wind projects na may kabuuang kapasidad na 12GW.

“Low electricity rates and a steady supply of it are important considerations for would-be investors. As such, we are pushing for the wider use of renewable energy sources as we veer away from our reliance on imported oil,” diin pa ni Marcos.

Tinataya ng isang Norwegian consulting firm na ang kontribusyon ng offshore wind sa energy mix ng mga bansa ay tataas sa 40% ng kabuuang wind energy production mula 29GW sa 2019 hanggang 1,748 sa 2050.

Inaasahan din ng nasabing kumpanya na bababa ang gastos sa pagbuo ng mga floating offshore wind farms, isang subsector, na makakatulong sa mas malawak na paggamit nito.

120

Related posts

Leave a Comment