Pinoy purdoy pa rin sa Bagong Pilipinas – Farmers BBM ‘GREATEST BUDOL OF THE YEAR’

(BERNARD TAGUINOD)

“BAGONG Pilipinas pero naghihirap pa rin ang mamamayang Pilipino.”

Ganito isinuka ng mga magsasaka ang governance brand ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kinantyawan din nila bilang ‘greatest budol of the year’.

Hindi anila makakain ang binabagong anyo ng bansa dahil wala pa ring ginagawa ang Pangulo para iangat ang buhay ng mahihirap.

“The Marcos Jr. administration is nowhere near its Bagong Pilipinas characterization of a “principled, accountable, and dependable government.” On the contrary, we consider Marcos Jr.’s promises as the greatest “budol” of the year,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos.

Isang taon na aniya si Marcos bilang pangulo at secretary ng Department of Agriculture (DA) ay wala pa ring pagbabago sa sektor ng agrikultura, sa halip pinapatay ang mga ito sa walang habas na pag-aangkat ng mga produktong agrikultural.

“Rebranding and sloganeering will not put food on the tables of Filipinos. We need pro-people reforms and a total overhaul of long-standing policies and programs that have failed to usher in real economic development,” ani Ramos.

Sa katunayan aniya, paurong ang sektor ng agrikultura dahil mano-mano pa rin umano ang paggawa at umaasa lamang ang mga magsasaka sa ulan dahil hindi maayos ang serbisyo ng National Irrigation Administration (NIA).

“Anong magiging bago sa Pilipinas kung araro, kalabaw at singkaw pa rin ang araw-araw na dala ng mga magsasaka,” dagdag pa ni Ramos.

Limos lang din aniya ang P40 na dagdag sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila habang sa ibang rehiyon ay wala pang umento at posibleng mas maliit ang ibibigay sa mga ito kapag nagdesisyon na ang mga regional wage board gayung alam ng Pangulo na nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, pamasahe, tuition fees, at mga serbisyo publiko.

Wala rin umanong nangyari sa pangako ni Marcos na bibigyan ng P500 cash-aid ang may 9.3 milyong mahihirap na pamilya sa bansa.

265

Related posts

Leave a Comment