SECTORAL MEETING SUMENTRO SA RIGHTSIZING

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kahapon ng umaga.

Tumutok ang isinagawang cluster meeting sa rightsizing program ng pamahalaan.

Kasama sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DBM Director John Aries Macaspac.

Kasama rin sina Secretary Mark Llandro Mendoza ng Presidential Adviser Legislative Affairs at head ng Presidential Legislative Liaison Office at Assistant Secretary Rose Virginie B. Iñigo ng Presidential Legislative Liaison Office.

Sa meeting ay binigyan ng update ang Pangulo hinggil sa usad o development ng ikinakasang government rightsizing na naglalayong palakasin pa ang institutional capacity ng pamahalaan at mas mapaganda ang serbisyo sa publiko. (CHRISTIAN DALE)

125

Related posts

Leave a Comment