NAGBIGAY ng talumpati sina Bb. Pilipinas International 2025, Ms. Katrina Anne Johnson, Bb. Pilipinas International 2025 1st Runner-up Ms. Dalia Varde Khattab at TV personality Ms. Joyce Pring, sa World Vision’s #GirlsCan campaign na ginanap sa Page One Headquarters sa Makati City noong Agosto 19, 2025.
Ang kampanyang ito ay isang kilusan na naglalayong bigyang-lakas ang mga kabataang babae upang malampasan ang mga hadlang at makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsusulong ng pantay na oportunidad sa edukasyon, pamumuno, at pakikilahok sa komunidad.
Layunin din nitong basagin ang mga stereotype sa kasarian, itampok ang mga huwaran, at lumikha ng mga ligtas na espasyo kung saan maaaring kumpiyansang hubugin ng mga kabataang babae ang kanilang kinabukasan.
(Danny Bacolod)
