HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 29-anyos na babae na binaril ng dalawang beses sa ulo noong Huwebes ng madaling araw sa panulukan ng Avenida Rizal at Lope De Vega Street, Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang biktimang si Lorena Capili alyas “Enang”, ng residente ng Tondo, Manila.
Batay sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay kay Police Major Dave Garcia, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang makarinig ng malakas na putok ng baril sa lugar na inakalang may sumabog na gulong ng sasakyan.
Pagkaraan ay natagpuan ang duguang bangkay ng biktima.
(RENE CRISOSTOMO)
105 