BISTADOR ni RUDY SIM
KUNG mayroong ice room na raket ang mga kupal na opisyales ng Bureau of Immigration na nangangasiwa sa ilegal na raket sa detention center nito para sa mga dayuhang nakakulong dito na pinarerentahan kada buwan mula 50K kada ulo at 100K para sa mga bigtime, ay tila magaling mag-isip kung paano huthutan ng pera ang mga dayuhan.
Kung apektado ang mga ordinaryong empleyado sa kapalpakan ng pamumuno ni BI Commissioner Joel Viado, dahilan ng paglagapak ng koleksyon ng ahensiya kung kaya’t malaki ang nabawas sa suweldo ng mga empleyado, ay hindi ito ramdam ng mga tiwaling opisyales lalo na sa detention unit sa Bicutan kung saan ay mayroong panibagong raket para lalong lumobo ang kanilang kita mula sa ilegal na paraan.
Gaano kaya katotoo na napakalakas nitong isang opisyal sa BI Detention Center kay Kume na kung si Samson sa bible na nakuha ang kanyang lakas mula sa pagpapa-rebond ng kanyang buhok kay Delilah, ay ibahin ninyo ang Samson ng BI na sa bawat suhestiyon nito kay Kume pagdating sa pagkukunan ng koleksyon, ay aprub agad without thinking?
Para naman sa inmates dito na nalulumbay sa tagal ng kanilang pagtitiis, ay nakahanap ng paraan itong opisyal ng detention center para sa tinatawag na “Bembang Room” upang sa maigsing oras ay sila naman ay makapag-change oil. Pero teka! Aba’y bakit tila hindi naman yata makatarungan ang short time hours na 10K kada dalawang oras? Daig pa ninyo ang SOGO… Hmm… Ano ba hitsura ng Sogo? Aba, malay ko…
Ganun din lamang at may Bembang Room na sa kulungan ng mga dayuhan… Bakit hindi gawin ni Kume na tarahan din ang ilang kilalang opisyales dito na manyakis? Unahin na natin ang tanggapan ni Chief alias Mang Kanor at ng kanyang tisay na sekretarya, Atty. Minions na kalaguyo nito ang kanyang deputa, at ilan din mula sa mga abogago ng legal division, na kapag hindi na makatiis ay ginagawa nang motel ang kanilang opisina kaya dumarami ang mga ipis.
Speaking of Mang Kanor, aba’y tila nataranta ang tumbong nito at nagpatawag pa raw ng meeting para sa loyalty check sa kanyang mga tauhan. Bakit sigurado ba siya na ang source natin ay mula sa kanyang tanggapan? Takot din pala ito sa kanyang sariling multo.
Sabi nila, bagsak ang koleksyon kaya walang pondo ang ahensya? Pero bakit habang naghihirap ang mga empleyado ay nagawa ng isang tanggapan dito, ang Verification and Compliance Division, na mag-team building pa ang team “K-Pop-pangit” sa Boracay? Eh, ‘di meow! Hindi lamang iyon at tila pinaplano rin umano ng mga abogado ng Legal Division na mag-Bora? Kita mo nga naman, gamit ang pera ng gobyerno ay walang maisip na matino ang mga kumag… Syempre, hindi pwedeng hindi kasama ang mga chikababes ni Torne… si Kume kaya, kamusta na ang love life matapos ibulgar sa social media ng kanyang legal wife ang kanyang pambababae?
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
