WELCOME sa Malakanyang ang pagkakatalaga kay Benjamin “Benhur” de Castro Abalos, Jr. bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo, ang kapuri-puring career ni Chairman Abalos sa public service, bitbit ang benepisyo ng taon ng karanasan at karunungan sa burukrasya ay maituturing na kuwalipikado siyang magtagumpay at may kakayahan na ipagpatuloy ang magandang gawain na iniwan ng namayapang si Brig. Gen. Danilo Lim.
Nagsimula ang career ni Chairman Abalos bilang matagumpay na abogado.
Sumali siya sa local government ng Mandaluyong City matapos na mahalal bilang City Councilor.
“With a solid background in law and an untarnished reputation as a public servant, Chairman Abalos earned the trust of the electorate and was elected as the mayor of Mandaluyong City for several terms,” ayon kay Sec. Panelo.
“Apart from displaying his exemplary skill and knowledge as a local chief executive, Chairman Abalos also demonstrated his acumen in legislative work as a Representative of the Congressional District of Mandaluyong City,” dagdag na pahayag ni Sec. Panelo.
Si Chairman Abalos ay anak ni Benjamin S. Abalos, Sr., na naging chairman din ng MMDA at ng Coemelec, alkalde ng Mandaluyong City, Trial Judge at celebrated lawyer.
“With public service clearly in his DNA, Chairman Benjie Abalos will surely lead the MMDA to greater heights,” ang pahayag ni Sec. Panelo.
Nauna rito, kinumpirma kahapon ni Senador Christopher “Bong” Go na si Abalos na ang papalit kay dating MMDA chairman Danilo Lim na nasawi noong nakaraang linggo dahil sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)
