TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal nang mayroon at kasalukuyan nang ginagawa ng pamahalaan ang communication plan na iminumungkahi pa lamang ng bise-presidente.
Ang sagot naman ni Dr. Ma. Luningning Elio-Villa, Medical Director at Faberco Life Sciences, Inc, sa iminungkahi ni VP Leni ay ” I understand na gagawin naman po ng Department of Health yan together with the medical specialist and experts. So, sama-sama. I understand.. it’s already within the government plan.”
Sinusugan naman ito ni Sec. Roque sabay sabing, “sinagot na po kayo ni Dra. Madam President. Iyong suhestiyon ninyo po, ginagawa na po ng gobyerno. In fact, lahat po ng dini-discuss natin dito sa press briefing natin .. kabahagi po iyan ng communication plan. Kinakalat po ng ating mga kalaban na matakot dapat sa mga vaccine ng Tsino, na kinakailangan Western brands lang. Kaya pinapakita po natin na ang Tsino po eh dumaan sa clinical trials sa iba’t ibang bansa at least. 91.5% ang efficacy rate po ng Sinovac. Kabahagi po iyan sa plano. Kung wala pong plano eh hindi ganito ang nangyayari sa ating mga press briefing.” (CHRISTIAN DALE)
139 