PORMAL na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto nina Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Budget Secretary Amena Pangandaman. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kapwa magalang na nagsumite ng kanilang resignation letter ang dalawa, “out of delicadeza,” matapos mabanggit ang kanilang mga departamento sa alegasyon kaugnay ng flood control anomaly, kasalukuyang iniimbestigahan, bilang pagkilala sa responsibilidad at upang pahintulutan ang administrasyon na maayos na tugunan ang usapin.
Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pagpapahalaga kay Bersamin para sa kanyang “steady leadership” sa Office of the Executive Secretary. Bitbit ng dating Chief Justice ang dekada ng “legal wisdom, calm stewardship, at deep respect for institution building,” na naging pundasyon sa pagpapatuloy ng mga reporma sa pamahalaan. Gayundin, pinasalamatan ni Marcos si Secretary Pangandaman, na sa kanyang pamumuno sa Department of Budget and Management (DBM) ay nakatulong sa pagpapatibay ng fiscal management, gabay sa tamang pagpasa ng national budgets, at pagtiyak na ang social programs at frontline services ay naihatid nang maayos.
Upang masiguro ang pagpapatuloy ng governance agenda, itinalaga ni Pangulong Marcos si Department of Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary. “Secretary Recto’s long record in economic policymaking, fiscal legislation, and national planning positions him well to oversee the day-to-day operations of government and coordinate the implementation of high-impact programs,” ani Castro. Kasabay nito, itinalaga naman si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go bilang bagong Secretary of Finance.
“Secretary Go has played a central role in advancing investments, strengthening investor confidence, and aligning economic initiatives across agencies. He will now oversee the country’s fiscal direction and the implementation of the administration’s economic agenda,” dagdag niya.
Samantala, ang DBM ay pamumunuan ni Undersecretary Rolando U. Toledo bilang officer in charge. Bilang pinuno ng Budget Preparation and Execution Group, dalang-dala ni OIC Toledo ang “extensive technical expertise” sa national budgeting, fiscal transparency, at budget execution. Ang kanyang pagtatalaga ay titiyak ng uninterrupted operations habang naghahanda ang gobyerno sa rollout ng susunod na taon na budget, pagpapatuloy ng disaster recovery efforts, at pagpopondo sa social at economic programs.
Ayon kay Castro, ang mga pagbabago sa pamumuno ay nagpapatibay sa commitment ng Pangulo sa pagpapalakas ng institusyon, mas maayos na koordinasyon sa gobyerno, at pagpapanatili ng administrasyon sa paghahatid ng katatagan, oportunidad, at seguridad sa mga pamilyang Pilipino. Tiniyak din ng Office of the President na ang lahat ng ahensya ay magpapatuloy ang operasyon nang walang pagkaantala, na may parehong pangako ng epektibong pamamahala at serbisyo publiko.
(CHRISTIAN DALE)
131
