BI: WALANG BUKAS NA TRABAHO SA LIBYA

libya21

(NI ROSE PULGAR)

MAHIGPIT na paalala kahapon  ng Bureau of Immigration sa mga Pinoy na huwag tanggapin ang alok ng mga illegal recruiters na trabaho sa UAE, partikular sa magulong bansa tulad ng Libya.

Ang panawagan ng immigration ay kasunod na rin ng pagkakaharang sa apat na Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagpanggap bilang turista at papasok sa Abu Dhabi sa UAE bago tutuloy ng Libya para magtrabaho.

Ayon kay BI-NAIA Port Operation Division chief Grifton Medina double ang kanilang ipinatutupad na paghihigpit sa paliparan base na rin ng ilang insedente na may nakakalusot na biktima ng human trafficking at illegal recruiter’s.

Aniya, ilan kasi sa mga Pinoy ang illegal na nakakalabas ng bansa na nagpanggap bilang torista upang magtrabaho sa UAE kung saan  kadalasan nabiktima ng illegal recruiters at pagmamaltrato ng kanilang naging employer doon.

“Doble ingat po huwag agad maniwala sa mga inaalok na trabaho,” panawagan ni Medina.

 

172

Related posts

Leave a Comment