BILYONES SAYANG SA FLOOD CONTROL PROJECTS

“STOP wasting billions on ineffective flood control projects.”

Ito ang galit na mensahe ni House Metro Manila Development chairman Rep. Manny Lopez sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos matuklasan sa pagdinig ng kanyang komite na bilyon-bilyong halaga ng flood control projects na itinayo ng dalawang ahensya ang hindi nakatutulong para maibsan ang pagbaha sa Metro Manila.

Sa nasabing pagdinig, kinumpirma ni Engr. Lydia Aguilar, Public Works and Highways (DPWH) flood control engineer, na 11 malalaking priority projects na nagkakahalaga ng P352 billion ang inilaan para maresolba ang pagbaha sa Metro Manila.

Gayunpaman, inamin ni Aguilar na 35 percent lang sa nasabing pondo o katumbas ng P123 bilyon ang nakaprograma ngayong taon dahil maraming proseso ang pinagdaraanan ng mga proyekto bago ipatupad tulad ng feasibility studies.

“Sa kabila ng mga bilyon na ginastos, talo pa rin po ang mga taumbayan. Let us stop wasting billions of public funds on ineffective flood-control projects,” ani Lopez dahil patuloy pa rin ang pagbaha sa Metro Manila.

Pinamumunuan ni Secretary Mark Villar ang DPWH habang si Chairman Benhur Abalos ang bagong namumuno sa MMDA. (BERNARD TAGUINOD)

103

Related posts

Leave a Comment