Binabalewala sa request na bakuna CAVITE GOB SUKO NA!

DISMAYADO na si Cavite Governor Jonvic Remulla kaugnay ng tila kawalan ng suporta ng national government hinggil sa hiling na bakuna para sa lalawigan.

“I’am already beyond frustrated. Naka-ilang meeting na pero everytime we ask for vaccine support the answer is “we will get back to you”. Puro ganyan” pahayag ni Remulla sa kanyang social media post.

“Matira ang matibay?  Beyond frustrated with low vaccine support from national government” ayon pa sa gobernador.

Una nang sinabi ni Remulla na kung siya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang karguhin ng lalawigan ang pagbili ng bakuna para sa mga residente ng nasabing lalawigan. Subalit hindi sila aniya pinayagan ng national government na pumili ng kanilang nais na COVID-19 vaccine brand.

Bunsod nito, sinubukan din niya umanong pumasok sa isang Tripartite Agreement nang sa gayon makapili sila ng angkop na vaccine brand batay sa gusto ng kanilang residente. Subalit baging ang kanilang order ay hindi pa din nilalagdaan hanggang ngayon.

Nakiusap na rin ang punong lalawigan na pahintulutan na ang kanilang LGU na umangkat ng sarili suplay ng bakuna.

“Wala po akong nakikitang rason para harangan ang aming layunin na siguraduhing ligtas ang kalusugan at buhay ng aming lalawigan” hinanakit ni Remulla sa kanyang Facebook post kamakailan.

Sa pagtatala ng pamahalaang panlalawigan, mahigit 6 million doses ang kakailanganin ng kanilang lalawigan upang maabot ang target na herd immunity sa Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

95

Related posts

Leave a Comment