QUEZON – Patay ang isang binatang helper matapos na umano’y burdahan ng saksak ng kanyang katrabaho sa bukid sa Brgy. Guis-Guis, San Roque, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.
Dead on the spot ang biktimang si Romar Dela Peña, 28, ng Brgy. Sta. Catalina Sur, sa bayan ng Candelaria.
Ayon sa report ng Sariaya police, nagpapahinga ang biktima sa kanyang tent sa palayan na kanyang pinagtatrabahuan ng puntahan at saksakin ng suspek na si Richard Cardenas alyas “Burdado” sa hindi nabatid na dahilan.
Agad namang nalagutan ng hininga ang biktima habang tumakas ang suspek matapos ang krimen.
Alitan sa kanilang trabaho ang sinasabing motibo sa krimen.
(NILOU DEL CARMEN)
