CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pamamaril sa isang 47-anyos na binatang negosyante sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw.
Isinugod sa Estrella Hospital ang biktimang si alyas “Martin”, negosyante, binata, ng Daang Batas. Brgy. Kalubkob Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay.
Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek.
Ayon sa secretary ng biktima na si Analyna, nasa loob siya ng kanyang kuwarto nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok sa labas ng bahay bandang alas-2:30 ng madaling araw sa Daang Batas, Brgy. Kalubkob, Silang, Cavite.
Lumabas si Analyna at nakita ang biktima na nakahandusay kaya agad itong isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay na bandang alas-12:50 ng madaling araw.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaril.
(SIGFRED ADSUARA)
40
