BINUNDOL SA GILID NG KALSADA, DEDBOL

CAVITE – Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang lalaking namatay makaraang nabundol ng isang motorcycle rider habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, nitong Sabado ng madaling araw.

Inilarawan ang biktimang nakasuot ng pulang t-shirt, puting pajama at may tattoo sa kanan at kaliwang kamay

Kinilala naman ang suspek na si Jerome Melendrez, 29, binata, pedicab driver, ng Rosario, Cavite, na nagmamaneho ng isang itim na motorsiklong Rusi.

Ayon sa ulat ni Corporal Rolando Mendoza ng Rosario Police Station, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada sa Marseilla St., Brgy. Bagbag 1 ng naturang bayan dakong ala-1:30 noong Sabado ng madaling araw.

Ngunit pagsapit sa harapan ng Flex Fluel nang nabangga ito ng motorsiklong minamaneho ni Melendrez habang binabagtas ang Brgy. Bagbag patungo sa direksyon ng Rosario proper.

Isinugod ang biktima sa Rosario Lying-in Clinic subalit hindi umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

161

Related posts

Leave a Comment