Birada ng solon PUBLICITY NG PLDT INSULTO SA CUSTOMERS

ITINUTURING ng isang mambabatas na insulto sa mas nakararaming customer ng PLDT ang publicity nito na hindi nakararanas ng problema sa koneksyon ang celebrity na si Liza Soberano.

Ginawa ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin ang pahayag dahil sa post ni Soberano na nagsasabing “Ok so @pldt came to my house yesterday and hooked me up with the best internet I have ever experienced in my whole 5 years of living in this house. 300 MBPS. What a lifesaver. Lag? I don’t know her”.

“Insulting, not amusing, and possibly illegal are the words I choose to describe the publicity stunt of PLDT involving Liza Soberano and her now infamous 300 Mbps internet connection,” ani Garbin.

Ayon sa mambabatas, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang nagrereklamo sa kanilang internet connection dahil sa hindi magandang serbisyo ng PLDT kaya insulto sa mga ito na kapag celebrity ay maganda ang serbisyo subalit kapag ordinaryong customers ay kabaliktaran ang nangyayari.

“Hindi kasalanan ni Liza na pinabilis ng PLDT ang internet connection niya. Bilang customer at bilang Pilipino, deserving si Liza sa mabilis at reliable na internet connection. Pero dapat ganun din ang trato ng telcos sa mga customer nitong hindi naman celebrity,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, kailangan aniyang magsagawa ng motu propio investigation sa bagay na ito dahil posibleng nalalabag ng nasabing internet provider ang mga batas at regulasyon sa telecom services, consumer rights, Civil Code provisions “on obligations and contracts”  at commercial law.

“At itong Converge, dapat ring managot dahil sa kupad ng internet service nito,” ayon pa sa mambabatas lalo na’t napakahalaga ngayon ng internet connection dahil sa online classes na ipinatutupad sa sektor ng edukasyon dahil sa pandemya sa COVID-19.

“PLDT’s actions in these circumstances involving Miss Soberano and against Converge ICT are behavior similar to ambulance chasing lawyers,” paglalarawan pa ni Garbin. (BERNARD TAGUINOD)

92

Related posts

Leave a Comment