BJMP PROBLEMADO SA TUBIG, SAKIT NG MGA BILANGGO SA TAG-INIT

detainees12

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa patuloy na nararanasan sa epekto ng El Niño ay problemado at puspusan ang paghahanda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maiwasan ang patuloy na nararamdamang init ng panahon sa mga bilangguan sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng BJMP, kadalasang mga sakit na mga bilango  ay hypertension, sakit sa balat, sore eyes, hirap sa paghinga at iba pa.

Dahil dito ay ginagawa ngayon ang paglalagay ng sapat na suplay ng tubig at ang tamang ventilation sa 476 na detention facility at umaabot na sa 135,000 ang kabuuang detainees sa buong bansa upang maibsan ang init ng panahon.

Bunsod nito ay nagpasaklolo na rin sila sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa ayudang supply ng tubig  sa ilang mga lugar na nakakaranas ng mahinang suplay ng tubig.

180

Related posts

Leave a Comment