BLACKOUT-FREE ELECTIONS, PINATITIYAK

HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Energy Regulatory Commission na tiyaking sapat ang suplay ng kuryente sa panahon ng halalan upang hindi makompromiso ang integridad at kredibilidad ng eleksyon.

Ito ay kasunod ng babala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring maiangat sa red alert status ang Luzon grid anumang oras sa Abril hanggang Hunyo, na posibleng makaapekto sa halalan.

Pinaalalahanan din ng Senador na nagbitaw ng salita ang Department of Energy (DOE) na maaasahang sapat ang supply ng kuryente bago, habang at pagkatapos ng Mayo 9, 2022.

Ipinahayag ni Hontiveros na dapat ay may safety measures na para hindi na maulit ang red alert status noong Mayo at Hunyo 2021 dahil sa deratinga ng Malampaya at hindi planadong pagsasara ng ilang power plant.

Sinabi rin ni Hontiveros na may inihain nang solusyon ang DOE at iba pang industry sa mga pagdinig sa Senado. Ilan sa mga ito firm ancillary services contracts sa bahagi ng NGCP at pag-iwas sa hindi planadong maintenance shutdown sa ng generation companies.

Muli ring iginiit ni Hontiveros ang kanyang panawagan na imbestigahan ang pagpapatupad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na dapat sana ay solusyon sa patuloy na problema hindi maaasahan at mataas na halaga ng kuryente sa bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

146

Related posts

Leave a Comment