KINILALA ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao ang ‘top 10 importers at exporters na kanilang partner sa taong 2019.
Ang nasabing pagkilala ay ginanap sa pagdiriwang ng ika-93rd Founding Anniversary ng Port of Davao noong Pebrero 21, 2020.
Dahil dito, pinagkalooban ng Plaques of Appreciation ni Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ang stakeholders na nakapagambag sa pangakong at dedikasyon para sa pagpapaunlad ng bansa.
“Your contribution to the nationʼs lifeblood will be the very foundation from which government will deliver basic services to the public,” pahayag ni District Collector Atty. Erastus Sandino Austria sa kanyang welcome remarks.
Naging highlight ng okasyon ang pagpaparangal sa Collection District XII’s retirees para sa taong 2020 at kanilang partner government agencies.
Kabilang sa mga tumanggap ng awards ay ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Atty. Norma Bañez at ang Coast Guard District Southeastern Mindanao, District Commander. Commodore Roy Echeverria.
Ang nasabing mga opisina ng gobyerno ay walang sawang sumuporta sa Port of Davao sa kanilang kampanya laban sa pagpasok ng illlegal goods sa bansa.
Ang Collection District XII ay patuloy sa pagpupursige ng kanilang inisyatiba sa pagpapalakas ng kanilang ugnayan sa pagitan ng BOC at kanilang partner agencies at stakeholders sa pagharap sa panibagong hamon para sa taong 2020. JO CALIM
