Opisyal na ipinagkaloob ng US Drug Enforcement Agency (DEA) at ang Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs sa Bureau of Customs (BOC) ang tatlong units ng handheld narcotics identification devices.
Kasama sa dumalo sa turn-over ng RIGAKU Raman Spectrometer ay sina US Drug Enforcement Agency Attache Christopher Adduci, Philippine Director for Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs Kelia Cummins at iba pang US DEA officials.
Tinanggap naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, kasama ang BOC Deputy Commissioners, ang illegal drug detection devices.
Ang nasabing devices ay magagamit ng BOC sa pagpapalakas ng kanilang kapasidad laban sa illegal drugs detection at pagpapalakas ng border security at protection laban sa illegal narcotics.
Nagpasalamat naman si BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa United States government sa pamamagitan ng kanilang Embassy para sa kanilang patuloy na pagsuporta sa BOC sa Information and Subject Matter Expert Exchanges.
Maging sa pagpapataas ng ibat-ibang mga hakbang sa pagharang laban sa illegal drugs patungo sa pagpapalakas ng border security ng bansa.
(Joel O. Amongo)
