BOKSINGERO NADALE SA KURYENTE

HINDI sa suntok kundi sa kuryente nasawi ang dating boksingero nang madikit ito sa high tension wire habang nagkukumpuni ng bubong sa bayan ng Magsaysay, Davao Del Sur.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48-anyos.

Ayon sa ulat, nagpapalit ng bubong sa ikalawang palapag ng gusali ang biktima nang madikit ito sa kable ng Davao del Sur Electric Cooperative.

Napabilang ang biktima sa larangan ng boksing nuong dekada 90. Nang matapos ang karera ay pumasok siya sa construction. (JESSE KABEL)

167

Related posts

Leave a Comment